Minsan nagkaka-araw pa
Na hindi alam ang gagawin
Hinahabol pa ng piling ko
Ang mga yakap sa dilim
Gulong-gulo sa piling mo
Na walang tigil binibigay sa ‘kin
Habang buhay pala
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Takot na magmahal nang tunay
Kapag hindi ikaw
Hinahanap rin sa bawat tao
Pero hindi abot-tanaw
Ano ba kasi ang hanap ko sa ‘yo
At hindi makagalaw
Sana may dahilan
Para itago ang pakiramdam
Marami akong mabibigay na rason
Kung bakit ikaw ang hanap
Ng aking pusong naliligaw
Na laging hinahanap ko
Kahit wala na
Wala nang pag-asa
Sana masaya ka pa rin
Kahit sa iba ka na’t
Hindi na sa ‘kin
Ikaw pa rin
Marami pang tinatagong nararamdaman sa ‘yo
Kulang-kulang ang sinasabi kasi hindi naman tayo
Maaari pa ba ibalik ang lahat
Pwede bang gawan ng paraan
Kasi habang buhay alam kong ikaw lang
Mamahalin kong tunay
Marami akong mabibigay na rason
Kung bakit ikaw ang hanap
Ng aking pusong naliligaw
Na laging hinahanap ko
Kahit wala na
Wala nang pag-asa
Sana masaya ka pa rin
Kahit sa iba ka na’t
Hindi na sa ‘kin
Ikaw pa rin
Wala nang ibang hahanapin pa
Panalangin ko lang ang maging masaya ka
Marami akong mabibigay na rason
Kung bakit ikaw ang hanap
Ng aking pusong ligaw pa rin sa ‘yo
At nahihirapan na
Kasi nasa isip, huwag nang ipipilit
Ang pag-ibig na nawala na
Na dating sa akin, ngayon aaminin
Ika’y mahal ko pa rin