最近搜索
更新时间:2025-03-06 09:22:22
文件格式:flac
音乐下载
被下架或封杀等部分试听资源与网盘资源可能不一致,请以网盘资源为准
标签
歌词

Grabe kasilaw ang araw na nagalabas dahan-dahan—

Nagabaga sa likod ng Mount Apo—

Ginailawan ang malawak na basakan na ginto.

At lahat ng sungo na nagasupsop sa kanyang suso—

Nagagising sa nagasirit na tunog ng takore

Nagasabay sa nagakamang na tubig ng basakan.

Ginapatugtog namin ang Chinese music bago mag-open ang Cybernet.

Nagapasok ang mga tao at magsabi sila ng “Open time, kuya.” Mag-nod ako.

Hawak ko ang kontrol, ako ang hari, isang klik lang,

Sendan ko ng warning message ang mga naganood ng porn, matakot sila.

Awtomatik, ako din ang DJ.

Pag ginapatugtog ko ang Gregorian chants at Enya, masaya-ah, pero magreklamo man sila.

Pag ginapatugtog ko ang Slayer at Pantera, masaya-ah, pero magreklamo man din sila.

Pag ginapatugtog ko ang April Boy at Willie Revillame, ayos-ah, pero magreklamo pa din man sila—

Sabihin nila, “Ano ngay yan, pang-weirdo man, yung uso ah, koya.” Take note, koya.

Pag tanghali, maraming tao, gusto nila ’90s, tunog kalye.

Kaya ginapatugtog ko ang Eheads at Rivermaya, ganun gud!

Ala-una hanggang alas-tres

Ginapatugtog ko ang “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan pag nagpasok si crush, si Moan.

Ginapatugtog ko ang “Ulan” ng Rivermaya o “Buhos ng Ulan” ni Regine pag nagaulan.

Ginapatugtog ko ang “We are the Champions” ng Queen pag nanalo sa pustahan ng Dota sila Ipo.

Ginapatugtog ko ang “Gitara” ng PNE pag nagpasok si Krabby Patty.

Ginapatugtog ko ang “Selling the Drama” ng Live pag nagpasok si Kuya Butch o si Kuya Coi.

Ginapatugtog ko ang Saosin, Hawthorne Heights, The Used pag nandyan sila Elp et al.

Ginapatugtog ko ang “MMMBop” ng Hanson pag nandyan si Kuya Jong.

Ginapatugtog ko ang “As Long As It Matters” ng Gin Blossoms, paborito ni Ate Leizel.

Ginapatugtog ko ang “Modelong Charing.”

Ginapatugtog ko ang “Antukin” ni Rico, kanta bago ang closing time . . .

Ginapatugtog ko ang “Closing Time” pag magsarado na . . .

At kadami pang ginapatugtog—

Big deal sa akin dati, lalo na yung “Barkado Ko” ng Isla Era—

Yun ang kanta namin,

Ginadaan sa mga lyrics ang mga damdamin.

Kasarap maglakad sa ilalim ng mga kakahuyan ng USM.

Kadami mong maisip, bawat buto ng lawaan na nagahulog,

Parang isip mo, ginalipad ng hangin, nagaikot-ikot, makalingaw.

Kasarap maglakad sa ilalim ng mga kakahuyan ng USM

Lalo na pag naka-earphones ka, ginakanta mo ang lyrics

Naga-concert ka sa utak mo.

“Far Behind” ng Candle Box

Palagi, pag magklase ako sa CAS,

Sa lalamunan lang ang guitar solo.

Pag galing ka ng CED papuntang Men’s Dorm

5 minutes at 34 seconds yan eksakto—

Parang “Vampires Will Never Hurt You” ng MCR.

Ginalakad ko yan, pag nagapraktis ng pingpong

Habang nagahulog ang mga dahon

Habang nagadilim ang hapon.

Pag gabi

Nagaawas ng ukay-ukay at prutas ang Crossing Avenue,

Parang ilog ng laman, tela, at buto.

Nagabanggaan ang siko.

Maamoy mo ang hininga.

Malingaw ka sa mga ginasabi.

Malumos ka sa ingay.

Ma-high ka sa amoy.

Patil ang buhay,

Buhay ang patil.

Lagi na lang, pag nagasakay sa tricycle na may sound system. Makasuya.

*Sad piano music with strings

Sometimes we close our eyes and just listen to the echoes of our hearts . . .

We all fall in love, and there are times when we love so much that we lose ourselves in our emotions . . . 

Many of us believe that love is forever, that love never dies, only to be disillusioned in the end . . . 

There is always a reason why we have to move on. When we have to say goodbye to the feeling we wanted to stay forever, let us not wave our hands with a heavy heart . . .

We should be thankful and happy not because we have lost love, but because, for once in our lives, that feeling called love lived in our hearts and made us happy . . .

Pagbaba sa Avenue, kalakas ng radyo sa mga boarding house. Makasuya.

“Nobela,” Join the Club,

Papunta na sa guitar solo

Bagsakan . . .

Hindi mo na kailangan ng droga o alak,

Nagalaro ang daliri at ilaw, sa sayaw ng tunog

Walang problema, walang away,

Ginaduyan lang ang lahat ng malungkot at masakit na awit

Parang ayaw mo nang matapos.

Pag naglaki ka sa simbahan, sa sermon ng pastor,

Matutunan mo ang sikreto ng pagsilang at kamatayan

Matutunan mong makipagkamay habang nagatingin sa mata.

Nagasimba pa rin ako sa lumang simbahan

Kahit sa panaginip,

May mga alaalang hindi madaling malimutan.

“Sige na ba, magsama ka na sa Pisan Cave.”

“Sige ngarud. Sino ngay ang kasama natin?”

“Si Aila and friends.”

“Ah sige. OK! Saan garud tayo magkita-kita?”

“Sa crossing lang!”

Naghuli kami ng mga pantat sa loob ng kweba.

Kinain namin.

Kaibigan ko ang buwan.

Gibantayan niya ako sa aking paglakad sa malungkot na daan.

May aso at mga ibon akong kaibigan

Tahimik na nagasabay, pagliko sa simbahan.

Dahan-dahan lang sa pintuan.

Dahan-dahan sa pagtulog.

Nagalutang sa garapon ang nakalabos na katawan

Ginaikutan sa ilalim ng isdang maitim,

Klaro ang isip sa kwartong madilim,

Makaabot sa malayong lugar,

Sa mga oras na nangyari at mangyayari

Katalas ng utak, nagagawa ng sariling mundo

Dati.

Gipabukalan ni Lola ang baka at red beans

Gilagyan ng lamas, saluyot—

Gitimplahan ng mga bagay ng makapangyarihan

Mga bagay na nagabuo ng kalawakan.

           Bagay na nagpaamo ng mga bulkan—

Mga bagay na nagapagaling ng kaluluwa—

Ang luto ni Lola,

Hindi ko na matitikman.

Nagaayos ng tambak ang mga tao sa basak

Ang iba nagakarga ng sako,

Mayrong naga-bike, mayrong naga-hike may mga dalang arado.

Galipad, gakalat ang mga dagami,

Maingay ang treser simula pa kagabi,

Nagasyawer ang mga nakasweter

           Sa pawis at tahop,

Ginahanap ng tiyan ang ininit.

At dahan-dahan ginailawan ng araw ang basak.

Nagabaga sa likod ng Mount Apo.

At lahat ng sungo na nagasupsop sa kanyang suso—

Nagagising sa nagasirit na tunog ng takore

                       Nagasabay sa nagakamang na tubig ng basakan,

Nagasakay sa sungay ng maputik na nuwang.